AdminLTELogo

Title Details

Academic Term

January - May | 2nd Semester 2025

Proverbs 11:23: The desire of the righteous is only good: but the expectation of the wicked is wrath.

Kaugnayan ng estratehiya at gawi sa pag-unawa ng noli me tangere at el filibusterismo /

Encoded on: Oct. 08, 2022 at 03:28:11 PM ni Perfecta D. Laguador.
 
Call #: Th 899.2113 L181 2007
 
Sublocation: Graduate Library Reference

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa estratehiya at gawi sa pag-unawa ng Noli at Feli. Ang ginagamit na desinyo sa pag-aaral na ito ay Descriptive-Correlational upang malaman kung may kaugnayan ba ang estratehiya at gawwi sa pag-unawa ng dalawang nobelang nabanggit. Ang mga estudyanteng nasa ikatlo at ikaapat na taon sa hayskul ng AUP Academy ang ginawang respondent sa pag-aaral na ito. Gumagamit ng mga talatanungan na ginawa ng mananaliksik at ipinasuri sa ilang titser na major sa Filipino. Ginamitan ng anim na talatanungan ang pag-aaral na ito katulad ng profayl ng mga respondent, estratehiyang ginamit sa pagtuturo, mga gawi na nakapaloob sa Noli at Fili, mahihirap na terminolohiya, mga ginamit na idyoma at mga kahulugan na nakapaloob sa akda. Binuo and pag-aaral na ito ng dalawang libro ang Noli at Fili. NOLI: Inilawaran sa Noli ang profall ng mga respondent batay sa kasarian na mas marami ang babae. Mas mahusay silang magbasa at mas madaling makaunawa ng nobela. May makabuluhang relasyon ang kasariang babae sa pag-unawa ng Noli, gayundin ang libangang paglalaro, babasahing pocket book book at magasin. Tinatanggihan ang haypotesis na may makabuluhang relasyon ang ibang libangan at babasahin maging ang kinagisnang dayalekto. Ang estratehiyang ginagamit ng titser ay nakatulong upang maunawaan nila ang nobela. Bunga ng kompyutasyon istatistikal, tinatanggap na may makabuluhang relasyon ang isang estratehiya- tanungan/sagutan- sa pag-unawa ng Noli. At tinatanggihan ang haypotesis na may makabuluhang relasyon ang iba pang estratehiya. Natuklasang ang gawi ay madalas pang gawin sa kasalukuyang panahon bagama't nasa modernong pamumuhay na ang mga kabataan. Nangangahulugang walang makabuluhang relasyon ang gawi sa pag-unawa ng Noli. Mababa ang antas ng pag-unawa ng mga estudyante sa tatlong test sa terminolohiya, tayutay o idyoma at tagong kahulugan na pinasagutan kung ang pagbabasehan ay ang istandard ng ginamit ng mananaliksik. Sa kabuuan, napatunayan na mas mahusay ang mga babae sa larangan ng pagbabasa.

Subject Added Entry-Topical Term

  • Philippine literature — Fiction.
  • Noli me tangere.
  • EL Filibusterismo.

Index Term-Curriculum Objective

  • Master ng Sining sa Edukasyon.

Added Entry-Personal Name

  • Ledesma, Grezaida M.,

Publication Info

Published: Not Available
Format: Not Available
Content type term: Not Available
Media type: Not Available

Back to COE Back to Dashboard View MARC Format