Ang pag-aaral na ito ay naglayong suriin ang paguugali at kaugaliang Pilipino sa maikling kuwento ni Genoveva Edroza-Matute at kinuha ang implikasyong moral at kultural nito. Sa pagsusuri ng kuwento, nakita ang paguugali at kaugaliang pilipino sa pamamagitan ng paglalarawan ng kilos, kaisipan, saloobin, personalidad, mithiin at pangarap ng tauhan, direktang dayalogo at tema. Sa sampung maiikling kuwento ni Matute na sinuri ay nakita ang mga sumusunod na ugali at kaugaliang pilipino: maka-Diyos, may pagmamalasakit sa pamilya/kapwa,mabuting makipag kapwa-tao, may pagmamalasakit sa likas na yaman, tapat at may pagmamahal sa bayan/makabayan, may pakiramdam,makapamilya, pagtulong sa kapwa, may kakayahang-mamuhay, nagbabayanihan, masipag, matiyaga, maparaan, madaling makibagay, magiliw sa mga panauhin, may pagpapahalaga sa sarili/ amor propio, may utang na loob, palabra de honor,delicadeza,masayahin, social climber,kapos sa pagpapahalaga at kawalang disiplina sa sarili, pamumuno ng asawang lalaki sa tahanan (paternal). ang mga moral na pagpapahalaga na nabigyang diinsa pag-aaral ay ang: pagkamaka-Diyos, pananampalataya,pagmamalasakit sa pamilya/pagkamakapamilya, amor propio o pagmamahal sa sariling tao, hiya delicadeza, pakiramdam, may disiplina sa sarili, palabra de honor, at pagmamalasakit sa kalikasan. Ang mga pagpapahalagang kultural na nabigyang diin sa pagaaral ay: may kakayahang mamuhay, pagkamasiyahin, mabuting pakikipagkapwa, magiliw na pagtanggap sa mga panauhin, kasipagan, katiyagaan, at pagkamakabayan. Ang mga implikasyong moral ng mga kuwento ay nagpapakitang ang ibang Pilipino ay kinakailangang maturuan at makalinang ng pagtitiwala sa Diyos, ng Dalisay na pag-ibig sa Pamilya, kapwa at bayan at ang gawing batayan ng pagpapahalaga sa kanila ay hindi materyal na bagay. Batay rin sa kuwentong pinag-aralan, kinakailangang malinang ang mataas na pagpapahalaga sa kagandahang asal, katapatan, nasyonalismo, palabra de honor, pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan sapagkat ang kalikasan ay nilalang ng.